* Kapag hindi mo siya kausapin, naiinip ka.
* Nababagalan ka sa araw/oras, kapag hindi mo siya nakikita.
* Kapag hindi siya nagtetext/tumatawag, nagagalit ka. Iniisip mo baka
pinagpalit ka na niya sa iba.
* Kapag may ginawa o umalis siya ng hindi nagpapaalam, sinusumbat mo rin sa
kanya na gagawin mo din ‘yung ganun.
* Kapag may kausap siyang iba, nagseselos ka na.
* Kahit siya may kasalanan, lagi kang nagpapatawad.
* Ginagawa mo ang lahat para sa kanya.
Kung mahal mo talaga ang isang tao kahit ano magagawa mo. ‘Yung mga hindi mo pa naranasan, mararanasan mo. Maging malungkot man o masaya. Pero minsan, kahit nagawa mo na ang lahat, kahit sobra-sobra na. Para sakanya, kulang parin. ‘Yung bang naranasan mo ng magmahal ng totoo, pero bandang huli ikaw ‘yung niloloko. Tapos wala ka ng ibang magawa kung ‘di ang umiyak. Natuto kang umiinom ng alak, mag-yosi, nagpaka-adik, sa pag-aakalang sa paraang ganun eh maghihilom ang sakit dyan sa puso mo. Minsan, naghahanap ka pa ng iba, para lang pagselosin mo siya. Effective naman ba? Meron pa. Kahit anong pa-cute mo din sa kanya hindi ka niya napapansin. Kahit ibuhos mo na rin siguro ang isang bote ng pabango mo hindi ka niya pa rin. Magsusout ka man siguro ng disente o todo porma wala pa rin. Haay. Ang pag-ibig talaga…
Sa pag-ibig, naranasan mo na ba 'to?
- Friday, June 10, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment