Twitter Bird Gadget

“May nagkaka-crush rin kaya sakin?”

Minsan, naglalaro sa utak ko yang tanong na yan. Yung tipong kapag dadaan kaya ako, may taong bumibilis din yung tibok ng puso? May tao rin kayang iniiyakan ako? Kinukwento ako sa mga kaibigan niya? Eh meron rin kayang kinikilig ng dahil sakin?

Kung mayroon man sigurong nagkaka-crush sakin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Halo-halo. Masaya na malungkot. Masaya kasi, may tao pa palang nakaka-appreciate sa aking mga ginagawa at ginagawa akong inspirasyon. Malungkot naman dahil siyempre, hindi naman porque may gusto ka sa isang tao ay gugustuhin ka rin niya. Baka kasi hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako at nakakadurog na ako ng puso.

Ayun. Wala lang.

0 comments:



Post a Comment